Family Encounter Weekend #13-2026

🙏 MARAMING SALAMAT, FAMILY ENCOUNTER WEEKEND 13! 🙏
From BLD FE Class 12 Sponsoring Family, nais naming ibahagi ang aming taos-pusong pasasalamat sa isang napakagandang Family Encounter Weekend 13-2026 na ginanap noong October 16 to 18, 2026 sa TREES, UPLB, Los Baños, Laguna.
Nasaksihan namin kung paano kumilos ang Panginoon sa puso ng bawat pamilyang dumalo. Napakaraming biyaya at panibagong simula ang naganap ngayong weekend. To God be all the glory!

Sa lahat ng mga sponsors, benefactors, at mga kapamilya na nag-abot ng kanilang suporta, panalangin, at love offerings: maraming maraming salamat po. Hindi magiging posible ang weekend na ito kung wala ang inyong kabutihang-loob. Ang inyong pagmamahal ay naging daan upang mas marami pang pamilya ang makaranas ng pag-ibig ng Diyos.

Salamat din sa aming Spiritual Director at Pastoral Team, sa mga Family Presenters na buong pusong nagbahagi ng kanilang testimonya, sa Action, Study, at Piety Teams, sa Praise Ministry at sa lahat ng volunteers, at sa lahat ng nag-vigil at nagdasal para sa tagumpay ng weekend.

Sa mga bagong graduate ng FEW 13, welcome po sa inyong panibagong paglalakbay kasama ang BLD community. Kasama ninyo kami sa bawat hakbang ng journey na ito.

To God be all the glory!

FE 13-2026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *